-- Advertisements --

Patuloy na pinaghahanap ng mga rescuers sa Jakarta, Indonesia ang mga pasahero ng lumubog na ferry.

May lulan na 77 pasahero at crew ang KM Cahaya Arafah ng ito ay lumubog sa karagatang bahagi ng Ternate Island nitong Lunes ng gabi Hulyo 18.

Unang tumulong ang mga residente doon gamit ang kanilang bangka.

Dinala na sa Tokaka village ang nasa 64 na iba pang nailigtas kung saan ang iba ay nakitang lumangoy na sa gilid ng isla.