-- Advertisements --
Naantala ang ilang mga trips at operasyon sa Manila North Port Terminal dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Nika.
Ayon sa pamunuan ng pantalan, ilan sa mga kanseladong trips ay ang papunta sa Davao, General Santos, Dumaguete, at sa Dipolog at Zamboanga na siyang nakansela na kahapon.
Karamihan din sa mga pasahero ang kumuha ng refund at pinili na lamang bumalik sa kanilang mga tahanan dito sa Maynila.
Samantala, mananatili naman umano ang mga barko sa pantalan habang hindi pa itinataas ang mga travel warning sa naturang pantalan.