LAOAG CITY – Inihayag ni Bombo International News Correspondent Mary Ann Molina mula sa Lebanon na mas pinili nilang manatili kaysa umuwi dito sa Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel.
Ayon sa kanya, ito ay matapos na malayo sila sa lugar kung saan nagaganap ang gulo sa pagitan ng dalawang panig.
Gayunpaman, ipinaliwanag niya na binalaan din sila ng gobyerno na huwag masyadong lumabas sa kanilang mga pinagtatrabahuhang tahanan kung hindi naman ito masyadong mahalaga.
Iginiit daw ng kanyang amo na hindi siya nito iiwan anuman ang mangyari sa kanilang bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Molina na handa ang embahada ng Pilipinas na tumulong sa mga kapwa nito Overseas Filipino Workers para sa kanilang repatriation hangga’t bukas pa ang paliparan sa Lebanon.
Samantala, 29 na taon nang nagtatrabaho si Molina bilang Overseas Filipino Worker sa nasabing bansa.