Inihayag ng isang propesor na dalubhasa sa pag-aaral ng international relations ang pakikibahagi umano ng ilang mga Pilipinong vloggers sa dayuhang estado na pasimuno sa isyu ng pagkakalat ng maling impormasyon.
Mayroon raw kasing mga online content creators ang nadiskubreng may ugnayan sa naturang bansa na kasalukuyang ginagamit ang stratehiyang tinatawag na ‘cognitive warfare’.
Ayon mismo kay Dr. Renato De Castro, isang distinguished professor of International Relations, kumpirmado na parte ang ilang mga kababayan sa cognitive warfare, na China umano ang may pasimuno.
Kung saan ipinaliwanag niya na ang People’s Liberation Army (PLA) ang siyang nagsasagawa nito at idinagdag na ang naturang stratehiya ay siyang gamit upang manipulahin at ilihis ang kamalayan lalo na ng mga Pilipino.
Aniya, ang mga vloggers na ito na pro-China ay mga maituturing din na kasama sa mga indibidwal na layunin at nais ang pag-destabilize sa gobyerno ng bansa.
Samantala, ibinahagi naman ng propesor sa pag-aaral ng may kinalaman sa usapin pang-inernasyonal, ang ganitong uri umano ng information warfare o cognitive warfare ay mistulang nakapaloob na sa doktrina ng naturang bansa.
Kung saan sinabi ni Dr. Renato De Castro, na maging ang integration ng makabagong teknolohiya na Artificial Intelligence ay siyang ginagamit para lamang maiskatuparang ang kanilang gawain.
‘Talagang nasa doktrina ng People’s Liberation Army, una yan yung tinatawag na information warfare, atakihin mo yung mind tapos yung tinatawag nila ngayon na intelligetalize, intelligent. Gumagamit ka ng Ai and even bio-physics, bio-chemistry in mind,’ ani Dr. Renato De Castro, distinguished professor of International Relations.