-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ang ilang mga private airline officials, apat na piloto at dalawang flight attendants ng Turkey dahil sa alegasyon ng pagtulong para makatakas si dating Nissan Motor Co. chairman Carlos Ghosn.

Tinulungan umano ng mga piloto at airline officials si Ghosn na makatakas palabas ng Japan patungong Lebanon at dumaan sa Turkey.

Ayon sa Turkish prosecutors na maaaring makulong ng hanggang walong taon ang mga piloto dahil sa iligal na pagpuslit sa isang migrant.

Itinakas umano nila si Ghosn patungong Lebanon habang hinihintay ang pagdinig sa kaso nito sa Japan.

Magugunitang noong 2018 ng inaresto si Ghosn dahil sa financial misconduct allegation sa Tokyo.

Tumakas ito umano patungong Istanbul at lumipat ng eroplano sa Beirut.