-- Advertisements --

ROXAS CITY – Ikinadismaya ng ilang mga pinoy boxing fans ang resulta ng laban ni John Riel Casimero sa Japanese Boxer na si Yokinuri Oguni na ginanap sa Ariake Arena sa Kotu-Ko Japan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Bombo International Samurai News Correspondent Josel Palma sinabi nito na ikinagulat ng mga pinoy fans ang naging resulta matapos ideklarang draw ang laban nina Casimero at Oguni.

Aniya, kung pagbabatayan ang naging performance ni Casimero kahit na lugi ito pagdating sa height at haba ng kamay ay mas marami itong naitalang mabibigat na pinakawalang suntok sa Round 1 at Round bago itigil ang laban sa Round 4 dahil sa kontrobersyal na headbutt declaration ng referee at doctor sa natamong sugat ni Oguni sa ulo.

Samantala lumaban din ang tatlong Filipino boxers sa undercard kung saan naagaw ni Froilan Saludar ang OPBF Bantamweight title belt kontra kay Keita Kurihara, wagi rin si Vince Paras laban kay Kai Ishizawa sa non title match at nabigo naman si Jeo Santisima sa laban nito kay Kenji Fujita.