BACOLOD CITY – Nagtitiis parin habang nagnanais na maka uwi sa Pilipinas ang ilang Pinoy na naiipit sa nagpapatuloy parin na corona virus outbreak sa China.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Amil Corpuz, Filipino musician sa China, kasalokoyan umano silang nasa Zhejiang, ikalawang probinsiya na may pinakamaraming naitalang kaso ng 2019 novel corona virus na umabot na sa 428 sunod sa Hubei province na mayroon namang 4,586 na infected.
Gusto na umano nilang umuwi dahil silang mga Pinoy nalamang ang naiwan sa nagsaradong hotel na pinagta-trabahohan at tinutuloyan nila at dahil aminadong natatakot na sila para sa kanilang kalusogan pero patuloy parin silang naghihintay sa decision ng kanilang kompanya.
Nanawagan din sa mga nandito sa Pilipinas na huwag sana silang katakotan na mga galing sa China dahil handa naman silang magpa quarantine para sa kaligtasan din ng lahat na makakasalubong nila sa pag uwi.
Dagdag pa ni Corpuz na nahihirapan sila ngayong makabili ng kanilang maka kain at ibang pangangailangan sa takot ding sumugal dahil baka sa paglabas nila ay hindi na maiwasang matamaan din ng nakamamatay na sakit na dulot ng corona virus.