BACOLOD CITY – Nangangamba ngayon ang ilang Pilipino na maaantala ang kanilang pagbabalik sa Sudan matapos magbakasyon sa Pilipinas dahil sa lumalalang political crisis sa nasabing bansa.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Jualita Bautista, may mga kaibigan siyang nais nang makabalik ng Sudan ngunit nahold dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan.
Lumala pa ito matapos ang brutal armed crackdown ng military forces laban sa mga nagpoprotesta kung saan ikinamatay ng na higit sa 50 katao.
Ilang bansa na rin ang sinuspende na ang flights ng airline companies papuntang Sudan.
“May isang kasama po kaming pabalik kanina pero na-hold sa Immigration. Magrerebook nalang ng flight. Naka-red alert po pero hindi naman po ban.”
Sa mensaheng ipinadala ng Philippine Embassy in Cairo, Egypt sa Star FM Bacolod, patuloy nilang binabantayan ang kalagayan ng ating mga kababayan sa Sudan at bukas ang kanilang tanggapan sa mga katanungan ng mga pamilya ng mga overseas Filipino workers.