-- Advertisements --

Samut-sari ang naging opinyon ng mga Pinoy kaugnay sa muling pagbuhay ng death penalty ng mababang kapulungan ng Kongreso kung saan gagamitin ang “firing squad” bilang kaparusahan sa mga opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang mahahatulan ng mga katiwalian.

Sa survey na isinagawa ng Bombo Radyo sa tanong kung ‘payag kabang ipatupad ang firing squad sa mga tiwaling kawani ng gobyerno?’ lumabas na marami parin sa mga Pinoy ang sumasang-ayon sa panukalang batas na House Bill number 11211 o ang ‘Death Penalty for Corruption Act’.

Kung saan ilan sa mga ka-bombo ang nagbigay sintimyento na ‘para maiwasan ang agawan o awayan sa politika upang yung mga mabubuting tao at tapat sa sarili, serbisyo lang ang kakandidato,’ ani Warlito Castaneda.

Binigyang diin pa ng mga ito na ang pagsasabuhay sa panukalang batas ay ‘maganda para matigil na ang korapsyon na nagpapahirap sa mga tao,’ dagdag ni Larry Socao.

Bukod dito tila ikinabahala naman ng iba na mauuwi lang sa ‘wala ang panukala dahil umano ang unang tatamaan ng batas na ito ay ang mga kongreso.

‘Hindi naman papasa sa congress yan, kasi sila ang unang tatamaan, at saka dadaan pa sa due process yan, susuhulan lang nila ang mga tagausig, maliligtas din ang mga buwaya at ang mga butiki lang ang mapaparusahan,’ ani Reynard Buncalan.

May mga ilan naman na gustong isama ang mga nasasangkot sa iligal na droga.

‘100 % yes Firing Squad for Plunder Graft & Corruptions as well as Drugs Cartel dapat ang sigaw nang taong bayan. Senate & Congress Down to Councilors,’ pahayag ni Benjamin Busa Dela Cruz.

Kung maisasabatas ang naturang House Bill, magiging malakas na mensahe ito sa Kongreso hinggil sa kahalagahan ng accountability, upang hindi kunsintihin ang korapsyon.