Nbabahala ang ilang mga Filipinos na nasa ibang bansa na pauwi na subalit sila ay naistranded matapos ng ilagay ng gobyerno ng Pilipinas sa red list ang pinagmulan nila.
Kabilang dito ang mga delegado ng Philippine Fencing Associaton na dapat ay pauwi na noong Nobyembre matapos ang pagsali nila sa World Fencing Association sa Geneva.
Dahil dito ay naghihintay na lamang sila ng repatriation program mula sa Pilipinas.
Pinayuhan naman sila ng kanilang airline provider na magtungo muna sa Paris, France dahil ito ay hindi kasama sa travel ng Pilipinas subalit kailangang manatili muna ang mga ito ng 14 na araw bago makabalik sa Pilipinas.
Sinabi ni Sally Aramburo na isa sa mga delegado na lahat sila ay bakunado na at negatibo naman sa RT-PCR test.
Kung sakaling i-quarantine sila ay maaring sa Pilipinas na lamang kaysa sa ibang bansa.