-- Advertisements --

Nag-abiso na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtaas ng ilang mga bilihin ng mga basic commodities sa pagtatapos ng buwang Hulyo.

Ilan sa mga dito ay ang condensed milk na magtataas mula P0.75- P1.80, evaporated milk na P0.25-P1.00, 3-in-1 coffee na magtataas ng P1.00 at ilang mga brand ng condiments na mula P0.50-P0.75.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo na hiwalay pa ito sa mga naunang tataas na kasama ng mga ilang brand ng sardinas.

Binalaan niya ang mga supermarkets na huwag munang magtaas ng kanilang produkto hanggang hindi pa ito naipapublish sa national publications.