May ilang pribadong paaralan sa basic hanggang sa higher education ang nag-apply para taasan ang matrikula sa susunod na school year.
Ito ang kinumpirma ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) kung saan grupo na long overdue na ang tuition fee hikes dahil huling nag-apply ang ilang paaralan para sa tuition hike ay bago pa mag-pandemiya.
Sinabi naman ni COCOPEA chairman Fr. Albert Delvo, para matugunan ang inflation at economic difficulties, hindi nila maiwasan na mag-apply para sa tuition hike na pumapalo mula sa 3% hanggang 9% o 12%.
Ayon pa sa konseho ang 70% ng karagdagang sa tution fee ay mapupunta sa mga sahod ng mga guro.
Sa panig ng Department of Education, kinakalap na rin ng ahensiya ang mga impormasyon kaugnay sa mga paaralan na nag-apply para sa tuition fee hikes habang ang Commission on Higher Education naman ay nakatakdang talakayin ang tuition fee hike sa Commssion en Banc.
Samantala sa gitna ng kinakaharap na mga hamon ngayon ng sektor ng edukasyon, nagsumite ang COCOPEA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng rekomendasyon nito para sa susunod na kalihim ng DepEd matapos magbitiw si VP Sara.
Kabilang na dito sina Negros Occidental Representative Jose Francisco Benitez, Senator Sonny Angara, DepEd regional director Joyce Andaya, DepEd Undersecretary Gina Gonong, at Ateneo de Naga University faculty member Fr. Wilmer Joseph Tria.