Nag-ulat ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) sa mga pribadong ospital.
Kasunod ito ng mas maraming Pilipino at kanilang mga pamilya ang nagtitipon tipon para sa pagdiriwang ng holiday.
Karamihan sa mga kaso ay mild lamang lalo na sa mga pasyenteng nabakunahan laban sa COVID-19.
Sinabi ni PHAPI president Dr. Jose Rene de Grano na ang pagtaas ng kaso ng COVID ay posibleng dahil sa mas maraming pagtitipon na ginanap ngayong Disyembre.
Gayunpaman, inaasahan ng PHAPI na bababa ang bilang ng mga kaso ng COVID sa mga darating na linggo.
Matatandaang ibinalik ng University of the Philippines—Philippine General Hospital (UP-PGH) ngayong buwan ang mandatoryong paggamit ng face masks sa loob ng ospital sa gitna ng dumaraming kaso ng COVID-19 sa bansa.