Nahaharap sa panibagong banta ng biglaang pagbaha ang ilang mga probinsya dahil sa walang-tigil na pag-ulan.
Ayon sa state weather bureau, epekto ito ng lumalakas na northeast monsoon o amihan at easterlies na nagduudlot ng mga pag-ulan sa ilang probinsya.
Kinabibilangan ito ng ilang mga probinsya sa Cagayan Valley, at mga probinsya ng Aurora, at Quezon na pangunahing naaapektuhan ng Amihan.
Sa Southern portion ng bansa, posibleng makaranas ng mga pagbaha ang mga probinsya ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands, at Davao Oriental dahil sa pag-iral ng easterlies.
Kapag nagpatuloy ang mga pag-ulan, ibinabala ng weather bureau ang posibilidad ng mga landslide lalo na sa mga lugar na dati nang nababad sa tubig-ulan.
Maliban sa mga nabanggit na probinsya, posible namang makaranas ng maaliwalas na panahon ang malaking bahagi na ng bansa habang nananatiling walang banta ng low pressure area sa alinmang katubigan ng bansa.