-- Advertisements --

Sa gitna ng mga paghahanda at selebrasyon para sa Pasko, posibleng makakaranas ng malalakas na pag-ulan ang maraming mga probinsya sa bisperas, Disyembre 24.

Batay sa pagtayang inilabas ng state weather bureau, maaaring maranasan ang heavy hanggang intense na pag-ulan sa mga probinsya ng Camarines Norte, Quezon, at Aurora

Ang tatlong nabanggit na probinsya ay maaaring maranasan ang mula 100 hanggang 200 milimetro ng tubig-ulan.

Maaari namang maranasan ang Moderate to Heavy sa mga sumusunod na probinsya:

Isabela, Aurora, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Northern SaIsabela, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon.

Sa mga naturang probinsya, inaasahang mararanasan ang mula 50 hanggang 100mm ng tubig-ulan.

Posibleng magpatuloy din ang mga pag-ulan sa mismong araw ng Pasko.

Dahil dito ay pinag-iingat ang publiko at pinapayuhang i-monitor ang mga advisory na inilalabas ng mga lokal na pamahalaan at mga ahensyang nakatutok sa disaster mitigation.