-- Advertisements --

Ilang mga driver ng pampasaherong sasakyan ang nabigla sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mandatory na paglalagay StaySafe.ph app.

Ilan sa mga ito ang nagsabing hindi pa nila kabisado kung paano gamitin ang app.

Nararapat aniya na magkaroon ng pagpapaliwanag muna sa bawat transport organization ang LTFRB o Department of Transportation sa nasabing paglalagay ng stay safe app.

Magugunitang naglabas ng kautusan ang LTFRB nitong Hunyo 21 na lahat ng mga PUV operators na gumamit na ng StaySafe App imbes na sa dating mano-manong pagsusulat ng mga contact tracing forms.

Ang nasabing direktiba aniya ay base na rin sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na dapat gamitin na ng lahat ng mga pampasaherong sasakyan ang stay safe app.

Binigyan ng LTFRB ng 30 araw ang mga pampasaherong sasakyan bago ipatupad.