Nagsagawa ng joint operation ang QC Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force on Traffic and Transport Management (TFTTM), Task Force Disiplina, Market Development Administration Department, at Quezon City Police District sa mga kalye at iskinita sa Barangay Bahay Toro, Tandang Sora, at Manresa.
Sinita at tinekitan ang mga residenteng nasa labas nang walang facemask, at walang quarantine pass o anumang patunay na sila ay authorized person outside residence (APOR).
Inisyuhan din ng ordinance violation receipts ang mga may-ari ng mga tindahan na hindi nagsusuot ng facemask sa tuwing haharap sa mamimili.
Layon ng nasabing operasyon upang siguruhin na sumusunod sa QC Enhanced Community Quarantine guidelines ang mga residente.
Ayon kay TFTTM Chief Dexter Cardenas, ang mga naturang barangay ay nakitaan ng pagtaas ng bilang ng special concern lockdown areas at mga nagpopositibo sa virus.
Patuloy na pinapaalala ng lokal na pamahalaan sa mga QCitizen na sumunod sa minimum health protocols upang hindi na kumalat pa ang COVID-19 lalo na ang mas delikado at mas nakakahawang Delta variant.