Patuloy ang pagsusulong ng ilang mga Republican leaders sa kanilang mga mamamayan ng kahalagahan ng pagsusuot ng facemask.
Ito ay kahit taliwas sa paniniwala ni US President Donald Trump ng pagsusuot ng face mask para hindi na tumaas pa ang kaso ng coronavirus.
Sinabi ni Republican House of Representatives Kevin McCarthy na may responsibilidad ang Americans sa kapwa nito na hawaan ng anumang sakit.
Kung hindi kaya ng magsagawa ng social distance ay mahalaga ang pagsusuot ng face mask.
Maging si South Carolina Republican Senator Tim Scott, na dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus ay nararapat na bawat isa ay magsuot ng face masks.
Nagpatupad na rin si Jacksonville, Florida Mayor Lenny Curry ng mandatory na pagsusuot ng face mask.
Sinabi ng Republican mayor na ito ang magiging isang susi para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.
Nauna rito nanawagan si Democratic governor ng New York Andrew Cuomo si Trump na magsuot ng mask para maging ehemplo sa kanilang mga mamamayan.