-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga Republican officials na bumati sa pagkapanalo ni dating US Vice President Joe Biden bilang pangulo ng US.

Una sa listahan na bumati ay si Utah Senator Mitt Romney na kasama ang kaniyang asawa ay binati sina Biden at Vice-President elect Kamala Harris at tiwala ito ng magiging matagumpay ang kanilang panunungkulan.

joe biden kamala harris podium

Ayon naman kay centrist Maine Senator Susan Collins, nakikita niyang mahal ni Biden ang US.

Ipinagdarasal naman ni Nebraska Senator Ben Sasse na maging tama ang pagpatupad nina Biden at President Donald Trump ng kanilang tungkulin.

Tiniyak naman ni Alaska Senator Lisa Murkowski na tutulong siya sa administrasyon ni Biden.

Nauna rito personal na tinawagan ni dating Republican President George W. Bush si Biden at Harris para batiin ilang oras matapos ang kanilang pagkapanalo.