DAVAO CITY – Dahil sa nararanasan na matinding pag-ulan kagabi hanggang kaninang madaling araw dulot ng Tropical Depression “Dante” ilang mga residente sa lungsod ang apektado ng mga pagbaha.
Partikular na inilikas ay ang mga naninirahan sa gilid ng Bunawan River at Talomo River nitong lungsod na parehong nasa critical level ang ilog.
Apektado rin ng street flooding ang bahagi ng Brgy. 6 Benedict Heights Tugbok nitong lungsod dahil sa malakas na pag-ulan.
Lumikas rin papuntang Mintal gym ang ilang mga pamilya dahil sa pagbaha sa Purok 15 sa nasabing lugar at nagset-up rin ng modular tents ang SK, Brgy. Council at BDRRMC sa Mintal para may masisilungan at matutulogan ang mga apektadong residente.
Muling nanawagan si City disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) head Alfredo Baluran manatiling alerto ang mga naninirahan sa landslide at low lying areas lalo na at patuloy ang mararanasan na mga pag-ulan hanggang sa sususnod na mga araw.