Nais ng ilang mga residente na magkaroon ng extension ang nalalapit na deadline ng SIM Card Registration dahil hanggang ngayon ay marami pa ang hindi nakakapagparehistro ng SIM Card.
Maraming mga kinakaharap na problema umano ang mga user sa tuwing mag reregister.
Ang ilan ay wala pang valid ID na kinakailangan para sa pagpaparehistro, ang ilan naman ay hindi makapag register dahil raw kung minsan ay hindi ma access ang website.
Si Rebecca Ambrio ay isa sa mga hindi pa nakakapagregister ng SIM Card.
Kaya umano di siya makapag register dahil wala naman siyang touch screen na cellphone na maaaring gamitin para sa pag kuha ng litrato ng kanyang valid ID.
Ayaw niya din kasing ma deactivate ang kanyang SIM card dahil sa mga importanteng contacts na nandoon.
Samantala, si Alma Esclamado naman ay nananawagan na sana ay magkaroon pa ng extension itong SIM card registration para magkaroon pa ng sapat na oras ang mga katulad niyang hindi pa nakakapagregister hanggang sa ngayon.
Kung maaalala, ngayong darating na April 26 ang deadline ng SIM card registration.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology, nasa halos 38.8% users pa lamang ng bansa ang nakapagparehistro.
Dahil dito, pinag aaralan ng ahensya ang pagpapalawig ng deadline ng nasabing registration.