Nag-iwan ng malawakang pagbaha ang category 5 Hurricane Dorian matapos na ito ay manalasa sa Bahamas.
Bagamat maraming lugar pa rin ang lubog sa baha ay bumabalik na ang ilang residente sa kanilang bahay na inilikas ng ilang araw.
Patuloy pa rin ang pagbabala ng National Hurricane Center na kahit nasa category 2 na ang Hurricane Dorian ay magdudulot pa rin ng malawakang pag-ulan.
Magdala pa rin ito ng hangin ng hanggang 115 mph subalit ito ay mabagal na gumagalaw habang patungo sa karagatang nasasakupan ng Florida.
Magugunitang lima ang patay ng manalasa ang hurricane dorian sa Abacos Islands nitong Lunes kung saan sa category 5 ay may dala itong lakas ng hangin ng hanggang 140 mph.
Tiniyak naman ni Bahamian Prime Minister Hubert Minnis na makakabangon din sila matapos ang pananalasa ng hurricane Dorian.