-- Advertisements --

Nagsagawa ng ‘unity ride’ ang ilang mga residente sa Central Luzon bilang pagpapakita ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng kaniyang unang pagharap sa Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court.

Isinagawa ito sa probinsya ng Tarlac kung saan daan-daang mga motorista ang nakibahagi.

Hawak-hawak din ng mga ito ang ilang mga tarpaulin na nagpapakita ng kanilang pagsuporta sa dating Pangulo, habang ang iba ay ikinabit sa mismong mga sasakyan.

Ang ilan sa mga motorista ay nagdala rin ng watawat ng Pilipinas at iwinawagayway habang pumaparada sa kahabaan ng ilang mga kalsada sa probinsya ng Tarlac.

Nagsagawa rin ng maikling programa ang mga ito kasunod ng ilang minutong unity ride.