CENTRAL MINDANAO – Pinalikas ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan City ang mga residente ng Brgy. Ilomavis, Kidapawan City dahil sa mga gumuho at nagkabitak-bitak na lupa.
Lahat na rin ng mga kawani ng Energy Development Corporation (EDC) ang una nang lumikas,
Sa bayan ng Makilala, Cotabato ay gumuho ang malaking bahagi ng Mount Apo at may namuong mistulang lawa sa itaas.
Kaya nagpaalala ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa mga residente na dobleng ingat at huwag mag-panic.
Marami ang naniniwala na kung babagsak ang namuong tubig sa paanan ng Mount Apo ay baka dumiretso sa mga residente.
Hiling naman ni Cotabato acting Gov Emmylou ”Lala” Mendoza sa lahat na magdasal at ‘wag mawalan ng pag-asa sa sinapit nila sa sunod-sunod na pag-uga ng lupa dahil Diyos lamang ang may kapangyarihan sa lahat.