Nananatiling sarado ang ilang mga kalsada at mga tulay sa ibat ibang bahagi ng bansa, dahil pa rin sa naging epekto ng Supertyphoon Egay at Habagat.
Batay sa consolidated report ng Department of Public Works and Highways ngayong araw, labing-isang road section ang nananatiling sarado.
Anim dito ay mula sa CAR, dalawa sa Region 1, at tatlo sa Region 3.
Sanhi ng mga saradong kalsada ay ang pagguho ng lupa sa malaking bahagi ng mga ito, habang ang ilang kalsada ay naitalang bumagsak o nasira ang mga bahagi nito.
Maliban sa mga nakasarang kalsada, labing-isang road section ang nananatiling limitado lamang ang makakadaan.
Dalawa dito ay sa CAR, lima sa R1, at tatlo sa R3. Ang mga road section na ito ay kinakailangang sumailalim sa road repair at rehab.