Naharang ng US ang Russian bombers at fighter jets sa karagatang sakop ng Alaska.
Kinumpirma ito ng North American Aerospace Defense Command (NORAD) ang pagpasok ng Russian military aircraft sa Alaskan Air Defene Identification Zone.
Agad na hinarang ng mga ng US fighter jets na sinuportahan ng US tankers.
Aabot sa dalawang Russian bombers, dalawang Russian fighter jets at Russian airborne early warning and control aircraft ang nakalapit sa 20 nautical miles ng Alaskan coast.
Sinabi ni NORAD commader General Terrence J. O’Shaughnessy, na ang nasabing pagharang nila ng ilang sasakyan ng Russia ay nagpapakita lamang ng pagiging handa nila at kapasidad nila sa pagdepensa ng kanilang bansa.
Nauna rito noong Marso ay naharang din ng US at Canadian fighter jets ang dalawang Russian reconnaissance aircraft sa karagatang sakop din ng Alaska.