-- Advertisements --
Nakasama nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Araneta Marcos ang mga senador at mga asawa nila sa isang hapunan sa Bahay Pangulo.
Sa social media account ng Unang Ginang ay ibinahagi nito ang kuhang larawan kasama ang mga asawa ng ilang senador.
Makikita rin sa larawan ang mga senador na kinabibilangan nina Lito Lapid, Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, Ramon Revilla Jr., Francis Tolenino, Sherwin Gatchalian, Raffy Tulfo, Joel Villanueva, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Francis Escudero, Cynthia Villar, Aquilino “Koko” Pimentel, Juan Miguel Zubiri at Loren Legarda.
Naganap ang pagtitipon sa parehas din na araw matapos ang isinagawang National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo sa araw ng Lunes.