Binatikos ng ilang mga senador ang biglaang desisyon ng Department of Health na itigil ang pagbibigay ulat sa mga bagong kaso ng COVID-19.
Kasunod ito sa naging pahayag ng DOH na ilalagay lamang nila ang mga daily cases sa kanilang websites para sa publiko.
Ang desisyon ay inilabas matapos ang pagkaka-diskubre ng ikaapat na kaso ng Omicron coronavirus variant sa bansa.
Sinabi ni Senator Richard Gordon na ang naging desisyon nito ng DOH ay nagpapakita ng kakulangan ng manpower ng ahensyia kung saan dapat ay magbigay pa rin ang DOH ng arawang kaso ng COVID-19 para sa kapakanan ng lahat.
Sinang-ayunan naman ni Senator Joel Villanueva ang naging pahayag ni Gordon.
Naghinala naman si Senate President Vicente Sotto III sa naging desisyon na ito ng DOH kung saan sinabi niyang mayroong ibang ‘agenda’ ang ahensiya.
Sa panig naman ni Senator Migz Zubiri na karapatan ng bawat tao ang mabigyan ng impormasyon habang Sinabi naman ni Senator Francis Pangilinan na dapat huwag tumigil ang ahensiya sa pagbibigay nila ng impormasyon.
San-ayon naman si Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na pagtigil na ng DOH ng pagibibigay ng arawang bilang ng kaso ng COVID-19 kung saan sinabi nito na marami pang mga ibang kaso na dapat pagtuunan ang DOH.