-- Advertisements --

Isinuot ng ilang mga senador sa pagsisimula ng ikatlong regular session ng 19th Congress ang mga gawa ng mga kilalang mga Filipino designers.

Isang classic na barong ang suot ni Senate President Francis Escudero habang ang asawa nitong si Heart Evangelista ay nakasuot ng modern white Filipiniana na gawa ng designer na si Leyva.

Kapansin-pansin naman ang piña barong na gawa ni Rod Francisco ang suot ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada habang si Sen. Robinhood Padilla ay suot ang Onesimus slim-fit, full-button barong na gawa mula sa piña silk.

Mula sa inspirasyon ng dahon ng anahaw na nakalagay sa piña silk ang barong na suot ni Sen. Raffy Tulfo na may simbolo ng watawat ng bansa.

Habang ang gown ng may-bahay nito na si ACT-CIS partylist Rep. Jocelyn Tulfo ay handcrafted champagne gold silk lame na inspirado ng shell ng bansa.

Desenyo naman ni Randy Ortiz ang suot ni suit ni Senator Nancy Binay na may pattern na beads at rice skirt na gawa naman sa pearl beads at floral embroidery.

Bumida naman ang piña baro’t-saya ni Sen. Risa Hontiveros na gawa ni Joel Acebuche at ang sapatos nito ay gawa sa Zapateria Marikina at handwoven purse habang si Senator Grace Poe ay pinili ang puting terno na silk crepe na may two-color-leaf inspired design na may gold at silver beads na mula sa Cabral.

Ang gown naman ni Sen. Imee Marcos ay light green na gaw ni Rem Divino na may inspirasyon sa Amorsolo painting na “Planting Rice” kung saan ang sleeves ng gown ay hand-painted na imahe ng pag-gapas at ani.

Isang puting Filipiniana mid-calf dress na may silk organdy pleated bodice at corset-inspired top na gawa ni MIa Urquico ang suot ni Senator Pia Cayetano na ito ay may checkered organdy jacquard skirt at accented ng black silk applique.