-- Advertisements --

Nanawagan ang ilang mga senador sa Toll Regulatory Board (TRB) na huwag munang ituloy ang napipintong taas singil sa mga toll ngayong buwan.

Ayon kina Senators Raffy Tulfo atSherwin Gatchalian na ang mga concessionaires ay bigong makamit ang nais ng mga regulators.

Inihalimbawa ng mga ito ay ang ilang beses na pagkasira ng RFID na nagdudulot ng trapiko.

Giit nila na dapat ay ayusin muna ng TRB ang mga problema para maging rasonable ang taas singil.