-- Advertisements --

Hindi nagpahuli ang mga local celebrities na nanood ng reunion concert ng bandang Rivermaya nitong Sabado sa lungsod ng Paranaque.

Nanguna si Maris Racal na nagpakita ng suporta sa nobyong si Rico Blanco ang gitarista at bokalista ng banda.

May suot pa ang aktress ng mga ginupit na larawan ng singer na inilagay sa kaniyang ulo at ginawang banner.

Kasama nito ang kapwa artista na sina Kaila Estrada, Darren Espanto, Jane Oinez at RK Bagatsing.

Nakita rin sa nasabing concert ang actor na si Daniel Padilla maging si Jolina Magdangal ang asawa ng drummer ng banda na si Mark Escueta.

Nakita rin sa konsiyerto sina Dominic Roque, Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Sarah Geromino, Matteo Guidicelli, at Bela Padilla.

Nabuo ang banda noong 1992 na ang miyembro ay sina Bamboo MaƱalac, Rico Blanco, Nathan Azarcon, , Mark Escueta at Perf de Castro.

Umalis sa de Castro matapos ang isang taon kung saan ipinagpatuloy nina Bamboo at Rico ang banda hanggang nag-kaniya-kaniya sila noong 1998 hanggang 2007.