-- Advertisements --

Dumadami pa ang bilang ng mga kilalang indibidwal sa Iran ang ipinapatawag sa korte dahil sa paglabag ng hijab laws.

Sa pinakahuli ay dalawang actress ang ipinatawag nila dahil sa nasabing paglabag sa hijab law na ipinasa pa noong 1979 Islamic revolution.

Kinilala ang mga ito na sina 37-anyos Baran Kosari at 44-anyos na si Shaghayegh Dehghan.

Inakusahan si Kosari ng hindi pagsusuot ng hijab noong dumalo siya sa burol ng isang kaibigan niya
Habang si Dehghan ay nakitang walang suot na hijab ng maglunsad ito ng libro sa isang cafeteria sa Tehran.

Unang kinasuhan na ng gobyerno ang mga beteanang actress na sina Fatemeh Motamedaria at Afsaneh Baygan.

Inamin naman ni Tehran prosecutor Ali Salehi na maraming mga sikat na indibidwal ang hindi dumalo sa kanilang imbestigasyon kaya nagbanta ang gobyerno na sila ay aarestuhin.