May mga gimick ang naisip ng ilang mga sinehan para lalong maka-enganyo ng mga manonood.
Kasunod ito sa pagbubukas na ng mga sinehan sa Metro Manila ngayong araw mula ng ibaba ang alert level nito.
Ilan sa mga sinehan ay nagpromo ng may libreng isang ticket kapag bumili ng dalawang ticket.
Habang ang iba naman ay hinikayat ang mga moviegoers na bumili ng ticket onlines para sa kanilang kaligtasan.
Nauna ng sinabi ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) na lahat ng mga empleyado at staff nila ay fully-vaccinated na.
Aminado naman ang may-ari ng mga sinehan na naging magastos ang muling pag-operate nila dahil sa dagdag gastos gaya ng pagbili ng mga gamit para sa sanitation at paglagay ng UV care room sterilizer.
Magugunitang ipinagbabawal ang pagtatabi sa loob ng sinehan at maging ang pagdala ng pagkain ay ipinagbabawal.