Idinaan na lamang sa kanta ng ilang mga singers ang kanilang pagpapakita ng protesta laban sa racism.
Mula ng sumiklab ang mga kilos protesta sa malaking bahagi ng US dahil sa pagkasawi ng black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.
Ilan sa mga kantang ginagamit ay ang “Get Up, Stand Up” ni Bob Marley, “Lean On Me” ni Bill Withers at ilan pa.
Ginamit naman ng hackers ng police scanners ng Chicago ang kanta ni Kendrick Lamar.
Ilang mga singers na idinaan na lamang sa kanta ang kanilang galit ay sina Alicia Keys na ginawa nito ang kantas “Perfect Way To Die”, habang ang singer na si H.E.R ay gumawa ng kantang “I Can’t Breathe”.
Malaki ang paniniwala nito na kanta ay isa ring paraan para paghilom ng mga emotional pain.