-- Advertisements --

Nagagamit umano ang mga social media influencer sa para makapanghikayat ng mga manlalaro sa iligal na online casino at iba pang uri ng online na sugal.

Ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Vice President for Offshore Gaming Licensing Department Atty. Jessa Fernandez, maraming social media personalities ang binabayaran upang mai-promote ang mga gambling operations.

Ito ay isang malaking hamon aniya para sa tuluyang pagpapasara o pagpapatigil sa mga iligal na online pasugalan sa bansa.

Una nang sinabi ng PAGCOR na tinututukan nito ang libo-libong mga online gaming sites na iligal na nag-ooperate sa bansa.

Nitong mga nakalipas na buwan, nagawa na rin umano ng ahensiya na maipasara ang hanggang limang libong sites.