-- Advertisements --
Nagpahayag ng suporta ang ilang mga Filipino sports icon kay Lydia De Vega na patuloy na lumalaban sa stage 4 breast cancer.
Emosyonal na sinabi ni Elma Muros-Posadas na patuloy ito sa kaniyang panalangin para sa mabilisang paggaling ng kapwa niya sprinter.
Naniniwala naman si chess Gandmaster Eugene Torre na kayang lampasan ni De Vega ang kaniyang kasalukuyang pinagdaraanan.
Hangad rin ni bowling legend Paeng Nepomuceno na gumaling kaagad ang kapwa dating atleta.
Magugunitang nasa kritikal na kondisyon ang legendary sprinter na si De Vega dahil sa breast cancer at ito ay nakatakdang sumailalim sa operasyon sa susunod na linggo.