-- Advertisements --
Dumalo ang ilang mga kilalang sports personalities sa panunumpa ni US President Donald Trump.
Kinabibilangan ito ni UFC president Dana White at UFC commentator Joe Rogan.
Personal na inimibitahan ni Trump si UFC heavy weight fighter Jon Jones.
Sinabi ni Jones sa mga pumuna sa kaniya ay kahit na anong political party nila ay isa siyang American at personal itong inimbitahan ng US President.
Magugunitang noong nakaraang taon ay personal na nanood si Trump sa laban ni Jone kay Stip Miocic.
Matapos ang panalo ni Jones sa ikatlong round ay ibinigay niya ang kaniyang championship belt kay Trump.
Ilan din na naimbitahan ay sina Conor McGregor, Jake at Logan Paul ganun ang ilang mga kilalang US football players ay dumalo rin.