May kaniya-kaniyang kandidatong iniindorso para sa pagkapangulo ng US ang ilang sikat na sports personality sa nasabing bansa.
Unang-una ay pinangunahan ni NBA star LeBron James ang “More Than A Vote” campaign na layon nito ay labanan ang systemic, racist voter suppression.
Sa maraming lugar kasi sa US ay kakaunti ang inilaan na mga polling places para sa mga minority populations.
At dahil sa panawagan nito ay binuksan ang ilang mga malalaking NBA stadiums gaya ng Staples Centers sa Los Angeles, State Farm Arena sa Atlanta at maging ang Dodger Stadium at ginawang voting center.
Tahasan namang inindorso ni US football player Megan Rapinoe si Biden.
Isa kasi si Rapinoe ang nakaalitan ni Trump sa social media ng maglabas ito ng saloobin sa social injustice noong Womens’ World Cup 2019.
Suportado naman ng beteranong golf player Jack Nicklaus si Trump kung saan tinawag nito ang endorsement bilang isang malaking karangalan.
Ipinakita rin NFL great Brett Favre ang kaniyang suporta kay Trump.
Ang pagboto niya kasi kay Trump ay para ang US ay mangibabaw muli at kilalanin ang freedom of speech and religio, 2nd amendments, hard working tax paying citizenz, police at military.