Dumami pa ang mga sports personalities sa bansa ang nagkainteres na pumasok sa pulitika.
Pinangunahan ito ni senator at boxng champion Manny Pacquiao na naghain na ng kaniyang certificate of candidacy sa pagkapangulo ng bansa.
Ang kaniyang trainer at kaibigan naman na si Buboy Fernandez ay tatakbo muli bilang vice mayor ng Polangui, Albay.
Naghain na rin ng kanilang kandidatura si Olympian Monsour del Rosario bilang senador ng matapos ang pagiging konsehal at congressman ng unang distrito ng Makati at pagkatalo nito sa vice-mayoralty race noong 2019 elections.
Tatakbo muli sa pagka-alkalde ng Bulakan, Bulacan si PBA legend Vergel Meneses habang ang 58-anyos na si Ato Agustin ay muling tatakbo sa pagka konsehal ng San Fernando, Pampanga.
Target naman na maging alkalde muli ng Tagaytay si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, habang si NorthPort team owner Rep. Mikee Romero ay top nominee ng 1Pacman.
Tatakbo naman sa pagka-kongresista si POC vice-president at fencing association chief Richard Gomez sa ikaapat na distrito ng Leyte habang naghain ng pagtakbo muli sa senado si Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) Senator Miguel Migz Zubiri.
Pagiging alkalde naman ng Cainta City ang tinakbuhan ni four-time PBA MVP Alvin Patrimonio habang konsehal naman ng lungsod ng San Juan sina James Yap, Paul Artadi, Don Allado at vice mayor ng Pasig si Dudut Jaworski.
Naghain naman ng pagkakonsihal sa Tuguegarao City si dating volleyball player Charo Soriano habang si dating national bowler at World Cupper Senator Vicente “Tito” Sotto ay naghain bilang vice-president ng bansa.