-- Advertisements --

Nakarating na sa Israel ang advance team ng US military personnel at ilang kagamitan ng advanced air defense system.

Ayon sa Pentagon na mayroong dagdag pa ng mga US military personnel ang darating sa mga susunod na araw.

Sinabi pa ni Pentagon press secretary Maj. Gen. Patrick Ryder na sa mga susunod araw ay magiging operational na ang anti-missile weapons na tutulong sa Israel laban sa pag-atake ng mga Hezbollah at Hamas.

Ang Terminal High-Altitude Area Defense (THAAD) ay tanging US missile defense system ng ng US na kayang sirain ang short, medium at intermeddiate-range ballistic missiels sa loob at laban ng sinasakupan nito.