-- Advertisements --
Inilagay sa mga hotels sa Antalya, Turkey ang mga survivors mula sa magnitude 7.8 na lindol.
Sinabi ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan, na may nakalaan na 50,000 na hospital beds sa nasabing lugar.
Umaabot na rin sa 8,000 na mga katao ang kanilang nailigtas mula sa lugar na tinamaan ng lindol.
Nagsama-sama ang mahigit 53,000 na mga rescue personnel para mailigtas ang mga naipit sa lindol.
Naantala ang kanilang rescue operations dahil sa winter season.
Nagtala rin ang US Geological Survey ng mahigit na 100 aftershocks matapos ang nasabing lindol.
Patuloy din ang pagbuhos ng tulong mula sa iba’t-ibang bansa.
Naniniwala naman ang mga otoridad na posibleng madagdagan pa ang unang mahigit 5,500 na nasawi sa lindol.