Namatay ang ilang mga tigre na kinumpiska sa isang temple noong 2016 sa Thailand matapos manghina ang kanilang immune system na sanhi ng isang viral disease dahil sa inbreeding.
Ang nasabing templo ay ang Buddhist temple west ng Bangkok na kung saan ay napakaraming mga turista ang nakikipag-selfie sa mga tigre at bottle-fed cubs hanggang sa tinanggal ng mga awtoridad ang halos 150 tigre bilang tugon sa wildlife trafficking.
Ayon sa isang opisyal mula sa Department of National Parks, Wildlife and Plant Conservation, ang nakumpiskang mga hayop ay dinala sa dalawang sanctuario ngunit mabilis silang nagkasakit dahil raw sa canine distemper virus.
Tinukoy ni Prakit Vongsrivattanakul, ang Deputy General ng nasabing kagawaran na halos 86 sa 147 na niligtas na mga tigre ang namatay nang dahil sa nasabing sakit.
Itinataguyod ng Buddhist temple west sa loob ng maraming taon ang pagiging “Wildlife Sanctuary” nito ngunit kasalukyan itong iniimbestigahan ng mga opisyal dahil sa ilang mga kasong konektado sa wildlife trafficking at animal abuse.