-- Advertisements --
Nagtalaga ng mas maraming trabaho sa kaniyang aides at kabilang sa kaniyang kapatid na babae si North Korea leader Kim Jong Un.
Pinapanatili kasi ni Kim ang kaniyang absolute authority pero ipinapasa niya sa iba ang trabaho para mabawasan aniya ang stress.
Ayon sa National Intelligence Service na nasa kontrol pa rin ng kanilang bansa si Kim.
Ang kapatid na babae ni Kim na si Kim Yo-Jung ay may hawak na ng policy ng Pyongyang sa US at South Korea.
Isinagawa ang nasabing pagtatalaga sa naganap na closed-door briefing.