Humirit ang ilang grupo ng tranportasyon ng dagdag singil sa pasahe.
Nagtungo sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ihain ang nasabing fare hike.
Sinabi ni Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) President Orlando Marquez, na dahil sa lingguhang pagtaas ng presyo ng langis kaya nararapat na itaas ang kanilang singil sa pamasahe.
Iginiit nila na mayroong Memorandum Circular ang LTFRB mula pa noong 2019 ng pagkakaroon ng automatic fare adjustment scheme kapag patuloy ang pagtaas ng krudo.
Paliwanag naman ni TFRB Technical Division Director Joel Bolano na kahit na mayroon silang inilabas na memorandum ay may sinusunod pa rin silang mga proseso.
Umaasa ang grupo ng transportasyon na matugunan ng gobyerno ang kanilang hiling na taas pasahe.