Ilang unconsolidated public utility vehicle (PUV) drivers at operators sa Metro Manila ay magpapatuloy pa rin sa pagbibigay serbisyo sa mga commuter sa Pebrero.
Nagpahayag ng intensyon ang transport group na Piston, sa kabila ng anunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang anunsyo ay naghayag na ang mga unconsolidated PUV ay ituturing bilang “colorum” simula Pebrero 1 o pagkatapos ng Enero 31 na extension para sa paghahain ng mga aplikasyon para sa pagsasama-sama ng prangkisa.
Ang ibig sabihin ng franchise consolidation ay dapat isuko ng mga indibidwal na operator ang kanilang mga prangkisa sa iisang korporasyon o kooperatiba.
Naunang babala ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, na mahuhuli ang mga driver ng “colorum” PUVs, o mga sasakyang mabigong mag-consolidate kung magpapatuloy sila sa kanilang mga ruta.
Sinabi ni Piston President Mody Floranda na may ilang operator na nananatiling tumututol sa pahayag ng LTFRB habang kinukuwestiyon nila ang legal na batayan ng board para sa nasabing kautusan.
Kaya naman aniya, ang pag-aalis ng mga prangkisa ay mangangailangan ng pag-amyenda sa batas – isang pamamaraan na sasailalim pa sa LTFRB.
Una na rito, ang Piston at isa pang transport group, na Manibela, ay magsasagawa ng transport protest sa Enero 16 o bukas araw ng Martes.