-- Advertisements --

Nakabalik na sa normal ang maraming websites ng mga airlines, banko at tech companies matapos na makaranas ng bahagyang pagkaantala.

Nagkaroon kasi ng computer glitch sa Akamai Technologies Inc. systems.

Ito na ang pangalawang insidente sa cloud company sa loob ng isang buwan.

Ayon sa kumpanya na naayos na nila ang problema at kanila na ito ng inoobserbahan.

Umabot ng ilang oras ang problema na nagkaaberya sa domain name system (DNS) service dahil umano sa software update.

Ilan sa mga nagkaroon ng aberya ay ang websites ng Delta Air Lines, Costco Wholesale Corp., American Express at Home Depot.