-- Advertisements --

Ilang militanteng grupo hinimok si PBBM na i-certify ang legislated P100 wage hike na urgent; Away sa pulitika ni Pamil
Unread post by bombogensan » Mon Jul 22, 2024 11:16 am

GENERAL SANTOS CITY – Pinamamadali ng ilang militanteng grupo sa Soccsksargen o Region 12 na kaagad na bigyang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pataasin ang sahod ng mga manggagawa.

Sa panayam ng Bomboradyo Gensan, inihayag ni Herbert Demos, Regional Director sa SENTRO-Soccsksargen na i-certify ang legislated P100 wage hike nga urgent.

Nais nilang mapakinggan mula mismo sa Pangulo kung ano ang hakbang nito hinggil dito.

Giit nito, ang kasalukuyang minimum wage sa rehiyon ay hindi makatarungan kung ikukumpara sa mga bayarin ngayon sa kuryente at tubig at iba pa at mataas na presyo ng mga bilihin.

Aniya, kung tutuusin ang legislated P100 wage hike ay hindi sapat.

Ayon rito, ang pagsasagawa nila ng kilos-protesta sa mismong araw ng ika-3 SONA ni PBBM ngayong araw ay para mapakinggan ang kanilang hinaing at maging boses rin ng mga ordinaryong mamamayan
.
Maliban sa mababang pasahod, nais ng mga nasabing grupo na dapat maipatupad na ang Magna Carta of the Poor Act.

Samantala, imbes na bigyang pansin ang away sa pulitika ni Pang. Marcos at Ex-Pres. Rodrigo Duterte, marapat lamang na isantabi ang mga solusyunan sa mga problemang hinaharap ng bansa.

@