-- Advertisements --
Naglabas ang bansang Japan ng pinakamataas na alert level dahil sa pananalasa ng bagyong Shanshan.
Itinuturing ng Japan na ito na ang pinakamalakas na bagyong tumama sa loob ng ilang dekada.
Ang Level five ay makakaapekto sa mahigit limang milyong residente.
Dahil dito ay pinapalikas ng gobyerno ang maraming mga residente.
Maraming residente rin ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Unang naglandfall ang bagyo sa Kagoshima prefecture sa southern island ng Kyushu.
Sa pagtaya ng Japan Meteorological Agency (JMA) na maaring tuluyang lumayo ang bagyo sa darating na mga araw.
Nag-iwan ang bagyo ng pagkasira ng maraming mga gusali sa isla ng Kyushu at maging ang mga transportasyon ay naantala.