-- Advertisements --

Sinulit ng nasa 80 kandidata ng 70th Miss Universe ang final leg ng kanilang pamamasyal bago bumiyahe patungo sa mismong venue sa Eilat, Israel.

Miss U mud bath 2

Batay sa impormasyon, hinati sa malilit na grupo ang mga kandidata upang mamasyal sa iba’t ibang tourist spots sa Israel kaya mapapansing wala ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa ilang sightseeing activities.

Kabilang sa agaw-pansing Israel tour ng Miss Universe candidates ay naganap sa Dead Sea na matatagpuan sa timog na bahagi ng West Bank city of Jericho.

Dito ay tila nag-showdown na sa kani-kanilang swimsuit ang mga magkakagrupo kung saan seksing seksi ang mga ito habang naglalaro ng putik sa beach at ang impromptu o hindi planadong photoshoots.

Sinasabing may mga dalang face masks ang mga kandidata pero hawak lamang nila ito at hindi na isinuot nang lumusong sa beach.

Samantala sa post naman ng “full blooded Filipina” na si Beatrice, dumating na ito sa mismong Miss Universe venue sa Eilat.

Wala sa kanyang online updates ang pagligo sa putik sa Dead Sea, kundi sumentro ang Israel tour nito sa mga disyerto

Beatrice piggyback ride

Mabilis ang mga netizen sa pagpuna sa piggyback ride nito kay Nane Avetisyan ng Armenia.

Sa 39-second video ng dalawa sa Eilat, nagkasama sila sa ATV (all-terrain vehicle) sa off-road event ng Miss Universe candidates at tumigil sa disyerto.

Dito ay kinarga ni Gomez sa kanyang likod si Miss Armenia, bagay na umani ng iba’t ibang komento online gaya ng kantyaw na “korona dapat ang puntiryahin ni Beatrice at hindi love life.”

Nabatid na aminadong bisexual ang kandidata ng Pilipinas, kung saan kaka-break lang nila ng disk jockey long time partner na si Kate Jagdon.

Sa darating na December 13, Manila time, ipapasa ni Andrea Meza ng Mexico ang korona sa 70th edition ng Miss Universe na gaganapin sa Red Sea resort ng Eilat, Israel.