-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Siniguro ng South Cotabato PNP ang implementasyon ng Cease and Desist Order (CDO) na ipinalabas ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ang pag revoke ng license to operate ng Kabus Padatuon (KAPA) investment sa Koronadal at sa ilang lugar sa South Cotabato.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Colonel Joel Limson hepe ng South Cotabato PNP, nakikipag-ugnayan na sa kanila ang SEC tungkol sa pagpapasara ng KAPA.

Dagdag pa ni Limson na lahat ng mga business connections ng KAPA ay hindi na puwedeng mag-operate sa South Cotabato o sa ibang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito dahil sa mainit na pagtalakay ng Bombo Radyo Koronadal sa KAPA investment scam ay nakatanggap ng banta ang assistant station manager ng Bombo Radyo Koronadal na si Bombo Bing Endaya nagsasabing pag-uwi nito patay na ang kanyang pamilya at nakasilid na sa ataul ang anak nito.

Ayon kay Col. Limson isang seryosong banta ang ipinaabot kay Endaya at makikipagtulungan sila upang matukoy ang dummy account na nasa likod nito.